Just kidding. I was tasked to write a Filipino poem last week and I took the challenge right away. I believe this is only the second time that I have written a poem in Tagalog, with the first one written in high school. Yeah, it was a long time ago.
The images and metaphors are undeniably all over the place, but I am proud of this. I find it timely, too, since August is our country’s Buwan ng Wika. As a nation liberated by one man’s works of literature (see Jose Rizal, if you’ve forgotten), I think it should be second nature and not just a responsibility to read and appreciate Philippine literature. For the love of the Philippines, and to honor this celebration, here is my little contribution.
*
Panukala
Kailangan bang may ulan sa iyong paglisan kahapon?
Maaari bang ulap na lamang, at wala nang pagbuhos
Ng pangamba? Higit sa lahat, mayroon pa bang
Pagkakataong maibalik mo sa akin
Ang mayaman mong sulyap?
Saglit lang, huwag ka munang sumagot.
Huwag mong dungisan ang marilag mong mga labi
Ng mga salitang hindi mo nais masabi at marinig.
Hayaan mong ako na lamang ang putik
Sa iyong marmol. Pakinggan mo ako.
Mangyaring tandaan ang mga sumusunod:
Ang katotohanan ay isang regalo
Para sa mga nais tumanggap nito,
At ang kamalian ay karamutang hindi pansin.
Gayunpaman, ang mga pilikmata mo’y
Mga pahina ng nobelang uulit-ulitin kong basahin.
Uulit-ulitin. Waring walang mali sa obra mong ganap.
Tingnan mo ngayon ang langit sa likod ng mga bundok
Sa Loon. Maaaring dito nagsimula ang lahat ng pagbuo
At paghati. Paglikha at pagkawasak: Dito namumukadkad
Ang araw, at sa kabilang dako naman kumukupas,
Nagbibigay-daan sa mga munting matang nagmamasid
Sa pagtulog natin: nananahimik, namamanatag, nananatili.
Ito marahil ang lagi’t laging kahihinatnan ng katotohanan:
Tulad ng dasal, nasa atin lamang ang kagustuhan,
Nasa atin lamang ang pananampalataya.
Tila wala na ang mga panukalang nakapaskil
Sa mga pader ng ating budhi; ang makakapagbago
Sa desisyong tumagos na sa kaluluwa.

No comments:
Post a Comment